Awit 78

Itinaboy niya ang lahat ng naninirahan doon, at hinati-hati ang lupain sa mga lahi ng Israel upang maging pag-aari nila at maging tirahan.

Psalm 78:55 (UKJV) He cast out the heathen also before them, and divided them an inheritance by line, and made the tribes of Israel to dwell in their tents.

53Pinatnubayan niya sila, kaya hindi sila natakot. Ngunit ang mga kaaway nila ay nalunod sa dagat.

54Dinala niya sila sa lupaing kanyang pinili, dito sa bulubunduking lugar na kinuha niya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

55Itinaboy niya ang lahat ng naninirahan doon, at hinati-hati ang lupain sa mga lahi ng Israel upang maging pag-aari nila at maging tirahan.

56Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Diyos, naghimagsik sila at hindi sumunod sa kanyang mga utos.

57Tumalikod sila sa Diyos katulad ng kanilang mga ninuno. Tulad sila ng isang sirang pana na hindi mapagkakatiwalaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.