Awit 78

Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Diyos, naghimagsik sila at hindi sumunod sa kanyang mga utos.

Psalm 78:56 (UKJV) Yet they tempted and provoked the most high God, and kept not his testimonies:

54Dinala niya sila sa lupaing kanyang pinili, dito sa bulubunduking lugar na kinuha niya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

55Itinaboy niya ang lahat ng naninirahan doon, at hinati-hati ang lupain sa mga lahi ng Israel upang maging pag-aari nila at maging tirahan.

56Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Diyos, naghimagsik sila at hindi sumunod sa kanyang mga utos.

57Tumalikod sila sa Diyos katulad ng kanilang mga ninuno. Tulad sila ng isang sirang pana na hindi mapagkakatiwalaan.

58Ginalit nila ang Diyos dahil sa kanilang mga sambahan sa matataas na lugar Pinanibugho nila ang Diyos dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.