5Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin? Wala na ba itong katapusan? Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong panibugho?
6Doon nʼyo ibuhos ang inyong galit, sa mga bansa at kaharian na ayaw kumilala at sumamba sa inyo.
7Dahil pinatay nila ang mga mamamayan ninyo at winasak ang kanilang mga lupain.
8Huwag ninyo kaming parusahan dahil sa kasalanan ng aming mga ninuno. Sa halip ay iparating agad ninyo ang inyong habag sa amin dahil kami ay lugmok na.
9O Diyos na aming Tagapagligtas, tulungan nʼyo kami, para sa kaluwalhatian ng inyong pangalan. Iligtas nʼyo kami at patawarin sa aming mga kasalanan, alang-alang sa inyong pangalan.