6Doon nʼyo ibuhos ang inyong galit, sa mga bansa at kaharian na ayaw kumilala at sumamba sa inyo.
7Dahil pinatay nila ang mga mamamayan ninyo at winasak ang kanilang mga lupain.
8Huwag ninyo kaming parusahan dahil sa kasalanan ng aming mga ninuno. Sa halip ay iparating agad ninyo ang inyong habag sa amin dahil kami ay lugmok na.
9O Diyos na aming Tagapagligtas, tulungan nʼyo kami, para sa kaluwalhatian ng inyong pangalan. Iligtas nʼyo kami at patawarin sa aming mga kasalanan, alang-alang sa inyong pangalan.
10Huwag nʼyo pong hayaan na sabihin sa amin ng ibang mga bansa, “Nasaan na ang inyong Diyos?” Habang kami ay nakatingin, ipaunawa nʼyo sa mga bansang ito na maghihiganti kayo sa kanila dahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.