Awit 79

Huwag nʼyo pong hayaan na sabihin sa amin ng ibang mga bansa, “Nasaan na ang inyong Diyos?” Habang kami ay nakatingin, ipaunawa nʼyo sa mga bansang ito na maghihiganti kayo sa kanila dahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.

Psalm 79:10 (UKJV) Wherefore should the heathen say, Where is their God? let him be known among the heathen in our sight by the revenging of the blood of your servants which is shed.

8Huwag ninyo kaming parusahan dahil sa kasalanan ng aming mga ninuno. Sa halip ay iparating agad ninyo ang inyong habag sa amin dahil kami ay lugmok na.

9O Diyos na aming Tagapagligtas, tulungan nʼyo kami, para sa kaluwalhatian ng inyong pangalan. Iligtas nʼyo kami at patawarin sa aming mga kasalanan, alang-alang sa inyong pangalan.

10Huwag nʼyo pong hayaan na sabihin sa amin ng ibang mga bansa, “Nasaan na ang inyong Diyos?” Habang kami ay nakatingin, ipaunawa nʼyo sa mga bansang ito na maghihiganti kayo sa kanila dahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.

11Pakinggan ninyo ang hinaing ng mga mamamayan ninyong binihag nila. Nakatakda silang patayin kaya inyo silang palayain sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

12O Panginoon, gantihan ninyo ng pitong ulit ang mga kalapit naming bansa dahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.