Awit 79

O Panginoon, gantihan ninyo ng pitong ulit ang mga kalapit naming bansa dahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.

Psalm 79:12 (UKJV) And render unto our neighbours sevenfold into their bosom their reproach, wherewith they have reproached you, O Lord.

10Huwag nʼyo pong hayaan na sabihin sa amin ng ibang mga bansa, “Nasaan na ang inyong Diyos?” Habang kami ay nakatingin, ipaunawa nʼyo sa mga bansang ito na maghihiganti kayo sa kanila dahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.

11Pakinggan ninyo ang hinaing ng mga mamamayan ninyong binihag nila. Nakatakda silang patayin kaya inyo silang palayain sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

12O Panginoon, gantihan ninyo ng pitong ulit ang mga kalapit naming bansa dahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.

13At kaming mga mamamayan, na inyong inaalagaan na parang mga tupa sa inyong pastulan ay magpapasalamat sa inyo magpakailanman. Purihin kayo nang walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.