11Pakinggan ninyo ang hinaing ng mga mamamayan ninyong binihag nila. Nakatakda silang patayin kaya inyo silang palayain sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
12O Panginoon, gantihan ninyo ng pitong ulit ang mga kalapit naming bansa dahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.
13At kaming mga mamamayan, na inyong inaalagaan na parang mga tupa sa inyong pastulan ay magpapasalamat sa inyo magpakailanman. Purihin kayo nang walang hanggan.