Awit 79

Pakinggan ninyo ang hinaing ng mga mamamayan ninyong binihag nila. Nakatakda silang patayin kaya inyo silang palayain sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Psalm 79:11 (UKJV) Let the sighing of the prisoner come before you; according to the greatness of your power preserve you those that are appointed to die;

9O Diyos na aming Tagapagligtas, tulungan nʼyo kami, para sa kaluwalhatian ng inyong pangalan. Iligtas nʼyo kami at patawarin sa aming mga kasalanan, alang-alang sa inyong pangalan.

10Huwag nʼyo pong hayaan na sabihin sa amin ng ibang mga bansa, “Nasaan na ang inyong Diyos?” Habang kami ay nakatingin, ipaunawa nʼyo sa mga bansang ito na maghihiganti kayo sa kanila dahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.

11Pakinggan ninyo ang hinaing ng mga mamamayan ninyong binihag nila. Nakatakda silang patayin kaya inyo silang palayain sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

12O Panginoon, gantihan ninyo ng pitong ulit ang mga kalapit naming bansa dahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.

13At kaming mga mamamayan, na inyong inaalagaan na parang mga tupa sa inyong pastulan ay magpapasalamat sa inyo magpakailanman. Purihin kayo nang walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.