1O Pastol ng Israel, pakinggan nʼyo kami. Kayo na nangunguna at pumapatnubay sa angkan ni Jose tulad ng isang nagpapastol ng mga tupa. Kayo na nakaupo sa inyong trono sa gitna ng mga kerubin, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,
2sa lahi ni Efraim, ni Benjamin at ni Manases. Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan; puntahan nʼyo kami upang iligtas.
3O Diyos, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.