Awit 80

sa lahi ni Efraim, ni Benjamin at ni Manases. Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan; puntahan nʼyo kami upang iligtas.

Psalm 80:2 (UKJV) Before Ephraim and Benjamin and Manasseh stir up your strength, and come and save us.

1O Pastol ng Israel, pakinggan nʼyo kami. Kayo na nangunguna at pumapatnubay sa angkan ni Jose tulad ng isang nagpapastol ng mga tupa. Kayo na nakaupo sa inyong trono sa gitna ng mga kerubin, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,

2sa lahi ni Efraim, ni Benjamin at ni Manases. Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan; puntahan nʼyo kami upang iligtas.

3O Diyos, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.

4O Panginoong Diyos ng mga Hukbo, hanggang kailan ang galit ninyo sa mga panalangin ng inyong mga mamamayan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.