2sa lahi ni Efraim, ni Benjamin at ni Manases. Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan; puntahan nʼyo kami upang iligtas.
3O Diyos, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.
4O Panginoong Diyos ng mga Hukbo, hanggang kailan ang galit ninyo sa mga panalangin ng inyong mga mamamayan?
5Pinuno nʼyo kami ng kalungkutan, at halos mainom na namin ang aming mga luha.
6Pinabayaan nʼyong awayin kami ng mga kalapit naming bansa at pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.