Awit 8

Kahit ang mga bata at sanggol sa inyoʼy nagpupuri; Kaya ang inyong mga kaaway ay napapahiya at tumatahimik.

Psalm 8:2 (UKJV) Out of the mouth of babes and infants have you ordained strength because of yours enemies, that you might still the enemy and the avenger.

1O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay matutunghayan, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan.

2Kahit ang mga bata at sanggol sa inyoʼy nagpupuri; Kaya ang inyong mga kaaway ay napapahiya at tumatahimik.

3Kapag akoʼy tumitingala sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

4akoʼy napapatanong, “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.