Awit 8

Kapag akoʼy tumitingala sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

Psalm 8:3 (UKJV) When I consider your heavens, the work of your fingers, the moon and the stars, which you have ordained;

1O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay matutunghayan, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan.

2Kahit ang mga bata at sanggol sa inyoʼy nagpupuri; Kaya ang inyong mga kaaway ay napapahiya at tumatahimik.

3Kapag akoʼy tumitingala sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

4akoʼy napapatanong, “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?”

5Ginawa ninyong mas mababa kaysa sa mga anghel ang kanyang kalagayan. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.