17Ngunit ngayon, tulungan nʼyo kami na inyong mga hinirang na maging malapit sa inyo at palakasin kami para sa inyong kapurihan,
18at hindi na kami tatalikod sa inyo. Ibalik sa amin ang mabuting kalagayan, at sasambahin namin kayo.
19O Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ibalik nʼyo sa amin ang mabuting kalagayan! Ipakita sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.