1Panginoon ng mga Hukbo, kay ganda ng inyong Templo!
2Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong Templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Diyos na buháy.
3Panginoon ng mga Hukbo, aking Hari at Diyos, kahit ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay.
4Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong Templo; lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.