Awit 84

Panginoon ng mga Hukbo, aking Hari at Diyos, kahit ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay.

Psalm 84:3 (UKJV) Yea, the sparrow has found an house, and the swallow a nest for herself, where she may lay her young, even yours altars, O LORD of hosts, my King, and my God.

1Panginoon ng mga Hukbo, kay ganda ng inyong Templo!

2Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong Templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Diyos na buháy.

3Panginoon ng mga Hukbo, aking Hari at Diyos, kahit ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay.

4Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong Templo; lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.

5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo at nananabik na makapunta sa inyong Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.