Awit 84

Habang binabaybay nila ang lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan.

Psalm 84:6 (UKJV) Who passing through the valley of Baca make it a well; the rain also fills the pools.

4Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong Templo; lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.

5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo at nananabik na makapunta sa inyong Templo.

6Habang binabaybay nila ang lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan.

7Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Diyos doon sa Zion.

8O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo, pakinggan nʼyo ang aking panalangin, O Diyos ni Jacob,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.