6Habang binabaybay nila ang lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan.
7Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Diyos doon sa Zion.
8O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo, pakinggan nʼyo ang aking panalangin, O Diyos ni Jacob,
9Pagpalain nʼyo O Diyos, ang tagapagtanggol namin, ang hari na inyong pinili.
10Ang isang araw sa inyong Templo ay higit na mabuti kaysa sa isang libong araw sa ibang lugar. Mas nanaisin ko pang mamalagi sa bahay ng aking Diyos, kaysa manirahan sa bahay ng masasama.