Awit 85

Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin.

Psalm 85:3 (UKJV) You have taken away all your wrath: you have turned yourself from the fierceness of yours anger.

1Panginoon, naging mabuti kayo sa inyong lupain. Ibinalik nʼyo sa magandang kalagayan ang Israel.

2Pinatawad nʼyo ang kasamaan ng inyong mga mamamayan; inalis nʼyo ang lahat ng aming kasalanan.

3Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin.

4Minsan pa, O Diyos, na aming Tagapagligtas, ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan. Kalimutan nʼyo na ang inyong galit sa amin.

5Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin, hanggang sa aming mga salinlahi?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.