2Pinatawad nʼyo ang kasamaan ng inyong mga mamamayan; inalis nʼyo ang lahat ng aming kasalanan.
3Inalis nʼyo na rin ang inyong matinding galit sa amin.
4Minsan pa, O Diyos, na aming Tagapagligtas, ibalik nʼyo kami sa magandang kalagayan. Kalimutan nʼyo na ang inyong galit sa amin.
5Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin, hanggang sa aming mga salinlahi?
6Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo?