Awit 85

Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas.

Psalm 85:7 (UKJV) Show us your mercy, O LORD, and grant us your salvation.

5Habang buhay na ba kayong magagalit sa amin, hanggang sa aming mga salinlahi?

6Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo?

7Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas.

8Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Diyos, dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan; iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan.

9Tunay na ililigtas niya ang may takot sa kanya, upang ipakita na ang kapangyarihan niya ay mananatili sa ating lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.