Awit 85

Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Diyos, dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan; iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan.

Psalm 85:8 (UKJV) I will hear what God the LORD will speak: for he will speak peace unto his people, and to his saints: but let them not return to folly.

6Hindi nʼyo na ba kami ibabalik sa magandang kalagayan upang kami ay magalak sa inyo?

7Panginoon, ipakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig at kami ay iligtas.

8Pakikinggan ko ang sasabihin ng Panginoong Diyos, dahil mangangako siya ng kapayapaan sa atin na kanyang mga tapat na mamamayan; iyan ay kung hindi na tayo babalik sa ating mga kamangmangan.

9Tunay na ililigtas niya ang may takot sa kanya, upang ipakita na ang kapangyarihan niya ay mananatili sa ating lupain.

10Ang pag-ibig at katapatan ay magkasama at ganoon din ang katarungan at kapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.