Awit 86

Tunay kayong mabuti at mapagpatawad, O Panginoon, puno ng pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa inyo.

Psalm 86:5 (UKJV) For you, Lord, are good, and ready to forgive; and abundant in mercy unto all them that call upon you.

3Panginoon, maawa kayo sa akin dahil buong araw akong tumatawag sa inyo.

4Bigyan nʼyo ng kagalakan ang inyong lingkod, Panginoon, dahil saʼyo ako nananalangin.

5Tunay kayong mabuti at mapagpatawad, O Panginoon, puno ng pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa inyo.

6Pakinggan nʼyo ang aking dalangin, Panginoon. Ang pagsusumamo koʼy inyong dinggin.

7Akoʼy tumatawag sa inyo sa oras ng kagipitan dahil sinasagot nʼyo ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.