Awit 88

Napakaraming paghihirap ang dumarating sa akin; para bang ang kamatayaʼy unti-unting lumalapit sa akin.

Psalm 88:3 (UKJV) For my soul is full of troubles: and my life draws nigh unto the grave.

1Panginoon, kayo ang Diyos na aking Tagapagligtas. Araw-gabi akong tumatawag sa inyo.

2Dinggin ninyo ang aking dalangin panawagan ko nawaʼy sagutin.

3Napakaraming paghihirap ang dumarating sa akin; para bang ang kamatayaʼy unti-unting lumalapit sa akin.

4Akoʼy kabilang na sa mga ibinaon sa lupa; katulad koʼy taong hindi na matutulungan pa.

5Pinabayaan na ako, kasama ng mga patay, parang isang nasawing nananahimik na lang sa kanyang libingan, na kinalimutan nʼyo na at hindi tinutulungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.