Awit 88

Pinabayaan na ako, kasama ng mga patay, parang isang nasawing nananahimik na lang sa kanyang libingan, na kinalimutan nʼyo na at hindi tinutulungan.

Psalm 88:5 (UKJV) Free among the dead, like the slain that lie in the grave, whom you remember no more: and they are cut off from your hand.

3Napakaraming paghihirap ang dumarating sa akin; para bang ang kamatayaʼy unti-unting lumalapit sa akin.

4Akoʼy kabilang na sa mga ibinaon sa lupa; katulad koʼy taong hindi na matutulungan pa.

5Pinabayaan na ako, kasama ng mga patay, parang isang nasawing nananahimik na lang sa kanyang libingan, na kinalimutan nʼyo na at hindi tinutulungan.

6Parang inilagay nʼyo ako sa napakalalim at napakadilim na hukay.

7Ang inyong poot ay sa akin ibinunton, parang mga alon na humahampas sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.