11Sa inyo ang langit at lupa; ang mundo at ang lahat ng narito ay inyong nilikha.
12Nilikha nʼyo ang hilaga at ang timog. Ang mga bundok ng Tabor at Hermon ay parang mga taong umaawit sa inyo nang may kagalakan.
13Ang lakas nʼyo ay walang kapantay; ang inyong kanang kamay ay nakataas at makapangyarihan!
14Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.
15Panginoon, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw sa kagalakan dahil sa inyo. Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo.