Awit 89

Panginoon, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw sa kagalakan dahil sa inyo. Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo.

Psalm 89:15 (UKJV) Blessed is the people that know the joyful sound: they shall walk, O LORD, in the light of your countenance.

13Ang lakas nʼyo ay walang kapantay; ang inyong kanang kamay ay nakataas at makapangyarihan!

14Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.

15Panginoon, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw sa kagalakan dahil sa inyo. Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo.

16Buong araw silang nagsasaya at nagpupuri sa inyo. Ikinagagalak nila ang inyong katuwiran.

17Sapagkat ikaw ang kanilang karangalan at kalakasan, at dahil sa inyong kabutihan kami ay magtatagumpay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.