14Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.
15Panginoon, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw sa kagalakan dahil sa inyo. Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo.
16Buong araw silang nagsasaya at nagpupuri sa inyo. Ikinagagalak nila ang inyong katuwiran.
17Sapagkat ikaw ang kanilang karangalan at kalakasan, at dahil sa inyong kabutihan kami ay magtatagumpay.
18Panginoon, Banal na Diyos ng Israel, ikaw ang humirang sa hari na sa amin ay nagtatanggol.