17Sapagkat ikaw ang kanilang karangalan at kalakasan, at dahil sa inyong kabutihan kami ay magtatagumpay.
18Panginoon, Banal na Diyos ng Israel, ikaw ang humirang sa hari na sa amin ay nagtatanggol.
19Noon, nagsalita kayo sa inyong mga tapat na lingkod sa pamamagitan ng pangitain. Sinabi nʼyo, “May hinubog akong isang mandirigma. Pinili ko siya mula sa mga karaniwang tao, at ginawang hari.
20Si David na aking lingkod ang pinili kong hari sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya ng banal na langis.
21Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya, at magpapalakas sa kanya.