Awit 89

Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat, pinatatahimik ninyo ang mga malalaking alon.

Psalm 89:9 (UKJV) You rule the raging of the sea: when the waves thereof arise, you still them.

7Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga kaysa sa sinuman sa mga nakapalibot sa inyo.

8O Panginoong Diyos ng mga Hukbo, wala kayong katulad. Makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.

9Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat, pinatatahimik ninyo ang mga malalaking alon.

10Dinurog nʼyo ang dragon na si Rahab, at namatay ito. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan ay ikinalat nʼyo ang inyong mga kaaway.

11Sa inyo ang langit at lupa; ang mundo at ang lahat ng narito ay inyong nilikha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.