6Walang sinuman doon sa kalawakan ang makakapantay sa ninyo, Panginoon. Walang sinuman sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon.
7Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga kaysa sa sinuman sa mga nakapalibot sa inyo.
8O Panginoong Diyos ng mga Hukbo, wala kayong katulad. Makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.
9Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat, pinatatahimik ninyo ang mga malalaking alon.
10Dinurog nʼyo ang dragon na si Rahab, at namatay ito. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan ay ikinalat nʼyo ang inyong mga kaaway.