Awit 89

Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga kaysa sa sinuman sa mga nakapalibot sa inyo.

Psalm 89:7 (UKJV) God is greatly to be feared in the assembly of the saints, and to be had in reverence of all them that are about him.

5Panginoon, maging ang mga nilalang sa langit ay nagpupuri dahil sa inyong katapatan at mga kahanga-hangang gawa.

6Walang sinuman doon sa kalawakan ang makakapantay sa ninyo, Panginoon. Walang sinuman sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon.

7Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga kaysa sa sinuman sa mga nakapalibot sa inyo.

8O Panginoong Diyos ng mga Hukbo, wala kayong katulad. Makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.

9Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat, pinatatahimik ninyo ang mga malalaking alon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.