4Ang bawat hari ng Israel ay manggagaling sa iyong lahi; ang iyong kaharian ay magpapatuloy magpakailanman.”
5Panginoon, maging ang mga nilalang sa langit ay nagpupuri dahil sa inyong katapatan at mga kahanga-hangang gawa.
6Walang sinuman doon sa kalawakan ang makakapantay sa ninyo, Panginoon. Walang sinuman sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon.
7Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga kaysa sa sinuman sa mga nakapalibot sa inyo.
8O Panginoong Diyos ng mga Hukbo, wala kayong katulad. Makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.