Awit 89

Panginoon, maging ang mga nilalang sa langit ay nagpupuri dahil sa inyong katapatan at mga kahanga-hangang gawa.

Psalm 89:5 (UKJV) And the heavens shall praise your wonders, O LORD: your faithfulness also in the congregation of the saints.

3Ang sabi ninyoʼy, “Gumawa ako ng kasunduan sa aking lingkod na si David na aking pinili upang maging hari. Ito ang ipinangako ko sa kanya:

4Ang bawat hari ng Israel ay manggagaling sa iyong lahi; ang iyong kaharian ay magpapatuloy magpakailanman.”

5Panginoon, maging ang mga nilalang sa langit ay nagpupuri dahil sa inyong katapatan at mga kahanga-hangang gawa.

6Walang sinuman doon sa kalawakan ang makakapantay sa ninyo, Panginoon. Walang sinuman sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon.

7Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga kaysa sa sinuman sa mga nakapalibot sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.