1Panginoon, aawitin ko ang tungkol sa inyong tapat na pag-ibig magpakailanman. Ihahayag ko sa lahat ng salinlahi ang inyong katapatan.
2Ipapahayag ko na hindi matitinag ang inyong walang hanggang pag-ibig, at itoʼy mananatili tulad ng kalangitan.
3Ang sabi ninyoʼy, “Gumawa ako ng kasunduan sa aking lingkod na si David na aking pinili upang maging hari. Ito ang ipinangako ko sa kanya:
4Ang bawat hari ng Israel ay manggagaling sa iyong lahi; ang iyong kaharian ay magpapatuloy magpakailanman.”
5Panginoon, maging ang mga nilalang sa langit ay nagpupuri dahil sa inyong katapatan at mga kahanga-hangang gawa.