Awit 89

Ipapahayag ko na hindi matitinag ang inyong walang hanggang pag-ibig, at itoʼy mananatili tulad ng kalangitan.

Psalm 89:2 (UKJV) For I have said, Mercy shall be built up for ever: your faithfulness shall you establish in the very heavens.

1Panginoon, aawitin ko ang tungkol sa inyong tapat na pag-ibig magpakailanman. Ihahayag ko sa lahat ng salinlahi ang inyong katapatan.

2Ipapahayag ko na hindi matitinag ang inyong walang hanggang pag-ibig, at itoʼy mananatili tulad ng kalangitan.

3Ang sabi ninyoʼy, “Gumawa ako ng kasunduan sa aking lingkod na si David na aking pinili upang maging hari. Ito ang ipinangako ko sa kanya:

4Ang bawat hari ng Israel ay manggagaling sa iyong lahi; ang iyong kaharian ay magpapatuloy magpakailanman.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.