12Ipaunawa nʼyo sa amin na ang buhay namin ay maiksi lang, upang matuto kaming mamuhay nang may karunungan.
13Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin? Dinggin nʼyo kami at kahabagan, kami na inyong mga lingkod.
14Tuwing umagaʼy ipadama nʼyo sa amin ang inyong tapat na pag-ibig, upang umawit kami nang may kagalakan at maging masaya habang nabubuhay.
15Bigyan nʼyo kami ng kagalakan na kasintagal ng panahon na kami ay inyong pinarusahan at pinahirapan.
16Ipakita nʼyo sa amin na inyong mga lingkod, at sa aming mga salinlahi, ang inyong kapangyarihan at mga dakilang gawa.