Awit 91

Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon, “Siya ang kumakalinga at nagtatanggol sa akin. Siya ang aking Diyos at sa kanya ako nagtitiwala.”

Psalm 91:2 (UKJV) I will say of the LORD, He is my refuge and my fortress: my God; in him will I trust.

1Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan ay kakalingain niya.

2Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon, “Siya ang kumakalinga at nagtatanggol sa akin. Siya ang aking Diyos at sa kanya ako nagtitiwala.”

3Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot.

4Iingatan ka niya gaya ng pag-iingat ng inahin sa kanyang mga inakay sa pamamagitan ng kanyang pakpak. Ang kanyang katapatan ang iyong magiging pananggalang at tanggulan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.