Awit 91

Iingatan ka niya gaya ng pag-iingat ng inahin sa kanyang mga inakay sa pamamagitan ng kanyang pakpak. Ang kanyang katapatan ang iyong magiging pananggalang at tanggulan.

Psalm 91:4 (UKJV) He shall cover you with his feathers, and under his wings shall you trust: his truth shall be your shield and buckler.

2Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon, “Siya ang kumakalinga at nagtatanggol sa akin. Siya ang aking Diyos at sa kanya ako nagtitiwala.”

3Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot.

4Iingatan ka niya gaya ng pag-iingat ng inahin sa kanyang mga inakay sa pamamagitan ng kanyang pakpak. Ang kanyang katapatan ang iyong magiging pananggalang at tanggulan.

5At sa gabi, hindi ka matatakot sa anumang bagay, maging sa palaso ng mga kaaway, kapag sumapit ang araw,

6o sa sakit at mga salot na dumarating sa gabi man o araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.