Awit 91

Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan ay kakalingain niya.

Psalm 91:1 (UKJV) He that dwells in the secret place of the most High shall abide under the shadow of the Almighty.

1Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan ay kakalingain niya.

2Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon, “Siya ang kumakalinga at nagtatanggol sa akin. Siya ang aking Diyos at sa kanya ako nagtitiwala.”

3Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.