Awit 92

Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Diyos, na tumutubo nang mayabong,

Psalm 92:13 (UKJV) Those that be planted in the house of the LORD shall flourish in the courts of our God.

11Nasaksihan ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway, at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin.

12Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma, at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon.

13Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Diyos, na tumutubo nang mayabong,

14lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.

15Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Batong kanlungan, ay matuwid. Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.