Awit 99

Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang. Siya ay banal!

Psalm 99:3 (UKJV) Let them praise your great and terrible name; for it is holy.

1Naghahari ang Panginoon at nakaupo sa gitna ng mga kerubin. Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot at ang mundoʼy nayayanig.

2Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion, dinadakila siya sa lahat ng bansa.

3Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang. Siya ay banal!

4Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan. Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan. Ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan.

5Purihin ang Panginoon na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang trono. Siya ay banal!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.