2Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion, dinadakila siya sa lahat ng bansa.
3Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang. Siya ay banal!
4Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan. Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan. Ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan.
5Purihin ang Panginoon na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang trono. Siya ay banal!
6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari, at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya. Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.