Awit 99

Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari, at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya. Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.

Psalm 99:6 (UKJV) Moses and Aaron among his priests, and Samuel among them that call upon his name; they called upon the LORD, and he answered them.

4Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan. Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan. Ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan.

5Purihin ang Panginoon na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang trono. Siya ay banal!

6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari, at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya. Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.

7Nakipag-usap siya sa kanila mula sa ulap na parang haligi; sinunod nila ang mga katuruan at tuntunin na kanyang ibinigay.

8Panginoon naming Diyos, sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan. Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Diyos na mapagpatawad kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.