Awit 99

Nakipag-usap siya sa kanila mula sa ulap na parang haligi; sinunod nila ang mga katuruan at tuntunin na kanyang ibinigay.

Psalm 99:7 (UKJV) He spoke unto them in the cloudy pillar: they kept his testimonies, and the ordinance that he gave them.

5Purihin ang Panginoon na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang trono. Siya ay banal!

6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari, at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya. Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.

7Nakipag-usap siya sa kanila mula sa ulap na parang haligi; sinunod nila ang mga katuruan at tuntunin na kanyang ibinigay.

8Panginoon naming Diyos, sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan. Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Diyos na mapagpatawad kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.

9Purihin ang Panginoon na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok, dahil ang Panginoon na ating Diyos ay banal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.