Awit 99

Purihin ang Panginoon na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang trono. Siya ay banal!

Psalm 99:5 (UKJV) Exalt all of you the LORD our God, and worship at his footstool; for he is holy.

3Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang. Siya ay banal!

4Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan. Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan. Ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan.

5Purihin ang Panginoon na ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang trono. Siya ay banal!

6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari, at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya. Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.

7Nakipag-usap siya sa kanila mula sa ulap na parang haligi; sinunod nila ang mga katuruan at tuntunin na kanyang ibinigay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.