Awit 103

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa sinumang may takot sa kanya; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.

Psalm 103:17 (UKJV) But the mercy of the LORD is from everlasting to everlasting upon them that fear him, and his righteousness unto children's children;

15Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago.

16At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita.

17Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa sinumang may takot sa kanya; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.

18Ang magkakamit nitoʼy ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa kanyang kautusan.

19Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.