Awit 103

Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay. Kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.

Psalm 103:5 (UKJV) Who satisfies your mouth with good things; so that your youth is renewed like the eagle's.

3Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.

4Inililigtas niya ako sa kapahamakan, at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.

5Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay. Kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.

6Ang Panginoon ay matuwid sa paghatol; binibigyang-katarungan ang lahat ng inaapi.

7Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan, at inihayag sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.