8Mamatay na sana siya agad at ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya.
9At nang maulila ang kanyang mga anak at mabiyuda ang kanyang asawa.
10Maging palaboy sana at mamalimos ang kanyang mga anak at palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan.
11Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian, at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.
12Wala sanang maawa sa kanya at sa mga naulila niyang mga anak kapag siyaʼy namatay na.