7At kapag hinatulan na siya, lumabas sana na siya ang may kasalanan, at ituring din na kasalanan ang kanyang mga panalangin.
8Mamatay na sana siya agad at ibigay na lang sa iba ang katungkulan niya.
9At nang maulila ang kanyang mga anak at mabiyuda ang kanyang asawa.
10Maging palaboy sana at mamalimos ang kanyang mga anak at palayasin sila kahit na sa kanilang ginibang tahanan.
11Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian, at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.